Parang ang hirap magsulat nitong nakaraang araw. Heto nga nagtatagalog na. Kakapagod ring mag-ingles buong araw at buong linggo. Pero kelangan. Parte yan ng trabaho.
Salamat naman at day-off ko ngayon. Ilang araw na ring panay overtime sa opisina. Kelangan raw para tumaas ang service level. Pero ok lang rin. Wala rin namang magawa kapag walang trabaho. Maghahanap lang ng mga walang kabulohang bagay para hindi ma-inip.
Tulad kanina, namasyal na naman ako sa mall (syempre). Pero parang ang sarap kumain ng lutong bahay kaya doon ako sa Food Court dumiretso. Apatnapu't walong piso lang ang nagastos! Ayos. Nakatipid.
Kakatuwa rin kapag mag-isa ka at walang magawa kundi pansinin ang mga tao sa paligid mo. Merong buong pamilya: Nanay, Tatay, Ate at Kuya na nagpapalit-palit sa pag-gamit ng computer. Ayos, mukhang may facebook kahit sila ni inang at tatang ah. Hanep! May magsyotang magkatabi na eh panay pa rin ang text. (Baka akala ko lang magsyota sila). May magkaparehang di nakuntento sa tig-iisang kape, mayroon ng nakahandang dalawa pang tasang kape para sa round two. May magkabarkadang di naman kumakain. At meron rin namang katulad ko na mag-isa na super nag-kokoconcentrate daw sa pag-kain.
Ayan. Fully-charged na sa wakas. Kaya naglibot. Pinigil ang sariling manood ng sine. Di naman kagandahan ang mga lumalabas. Maliban na lang kung nawala ako sa sarili at nonood ng pelikulang may linyang: "sana kahit minsan makita mo rin ako dahil ako ang nakikita ko...ikaw lang." Kung papano ko nalaman at namemorya yan, wag mo ng itanong. Masama sa iyung kalusugan, lalong lalo na sa puso.
Naghanap ng librong mahirap basahin. Parang trip ko lang pahirapan ang sarili ko. Parang trip ko ring mag-Shakespeare pero di ko pa kaya ang ganyang level. Nakita ko ang Atonement ni Ian McEwan. May nagsabing maganda raw ang i-storya pero nosebleed raw ang Ingles. Kakataka nga. Siguro may katabi syang disksyunaryo habang nagbabasa kaya nya nasabing maganda to. Pero sige, try natin. Baka may mapulot na linya na pwedeng ipang-bato sa mga Kanong tumatawag.
Bumili ng sandamukal na chichirya. Super Junkfood kumbaga. Trip ko ring kumain ng di-masustansyang pagkain. Pero bumili rin ng isang litro ng orange juice. Sa inumin na lang bumawi. Pero tamang-tama ang mga to. Paghahanda para mamya. Magpapakalunod sa kwarto kasama ni McEwan.
Ah Ewan nga. Ganyan talaga siguro kapag mag-isa ka lang sa buhay. Pangkaraniwan lang ang walang magawa kaya kelangang libangin ang sarili at baka mawala sa katinuon. Importanteng maghanap ng mapag-lilibangan. Tulad ng sa ngayon, nagba-blog.
Pacensya na. Bored lang talaga kasi ako.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Leave a Comment